Don't worry, 'cause no matter how bad your day starts, You still don't know how it'll end.

HEART. Core of human existence//Seat of feelings/desires/passions/aspirations//Innermost of being.

Saturday, May 11, 2013

SPLINTERRRRRRR XXX


January 29, 2013

Para akong nagamusement park ngayon. Parang nilibot ng mga paa ko ang buong starcity sa sakit neto. Ewan ko kung ba’t sumabay pa tong lalamunan na to, na kanina eh okay naman. Hindi ko alam kung bakit paguwi ko ng dorm e ganto na sya. Nakadagdag pa tong (osige lara, isumbong mo lahat yang sama ng loob mo. HAHA) splinter ko. Taaaraaay, splinter. =)) Natuwa naman ako dahil kanina ko lang nalaman na may English pala ang salubsob. HAHA.  Buong araw ko kaya pinroblema yan! Pati mga kaklase ko nabulabog dahil dyan. Pinag-pipiga nila ang tuhod ko hanggang sa dumungaw yung mga hibla ng kahoy na bumaon sa balat ko. Kung baket naman kase hindi namili yung tuhod ko nang lalandingan niya ehh. Para kaming may opersayon sa room. Nahihiya ako kasi napaka-weak ko sa mga gantong bagay. Daig pa ko ng mga bata, kaya nilang tiisin yung mga gantong bagay. Minsan nga di pa nila sasabihin sa nanay nilang nadapa sila dahil sa takot mapagalitan eh, kaya kunwari, parang walang nangyari. Haha. Masama lang talaga mainggit, pero bilib na bilib ako sa kanila. Ewan ko ba, pero takot ako. Yung ala pa ng tinutusok sayo pero nararamdaman mo na yung kirot sa utak mo. Hahaha. Kanina lang e, naiyak pa ko nung tina-try ni tine tanggalin yung mga natira e. Yap okay, ang OA. Ang abno lang no. Hindi niya na tuloy tinuloy. J) Ayoko na ng ganto eh. Ayokong naririnig yung mga bakuna, mga injection, blood test at kung anu ano pa. Alam kong masama magpatuloy yung ganto, kasi kasama sa paglaki yung sakit eh. Di mo pwedeng sabihing aabsent ka na lang sa mga yon, gaya ng lagi kong ginagawa.
Naisip ko lang, gusto ko naman maranasan yung tipong di ako matatakot sa tuwing makakaranas ako ng ganto. Gusto ko namang ma-feel yung ako mismo magvvolunteer na mag-donate ng dugo ko para sa mga mas nangangailangan. Gusto kong maging malakas pagdating sa gantong bagay. Hmm. Napagalala ko pa tuloy si mame, gusto niya ipa-OR bigla. Sabi sa inyo, may pinagmanahan ako ehh. Haha. I-pagpray ko lang raw to kay Lord at magiging okay na to. Nahiya ako bigla. Ako tong nagsasabing lahat magagawa ko dahil kasama ko si Lord pero ako tong laging umuurong pagandyan na yung pag-subok. Sasabihin ko na namang, masakit yan. Di ko yan kaya. Ayoko na, wag na lang ituloy. Asan na yung tiwala?? Nawala na namang bigla??

Pa-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit na lang akong ganito. Nagpapa-dala na naman ako sa sinisigaw ng utak ko.. Kahit na may mahinang boses na nagsasabi saking, Kaya mo yan. Ikaw pa. Hindi ka naman haharap ng mag-isa. Andito naman ako. Ako sasalo lahat ng sakit na mararamdaman mo. Magtiwala ka lang na kaya Ko. Nagawa ko na sayo to ng maraming beses. Di ko pa ba gagawin sayo to ngayon?

Thank you Lord. Pinaalala Niyo sakin na hindi dapat ako mag-alala para bukas. Hindi na ko matatakot. Pupunta ako ng health service. Hindi ako kakabahan. Hindi na ko aatras. Di na ko mag-aalibi. Di na rin ako iiyak. Haha. Tanggap ko na. Hihiwain tong munti kong balaaaaat at unti-unting hihilahin ang ….. ooops wag na nga. Bumabalik pa ehhh. Basta bukas splinter-free na ang aking tuhod! Oyeah! 

PS. Don't let your defintion of yourself define you. Sabi nga ni Ate LJP, Kapag sinabi mong "di ako risk-taker ehhh" Magiging excuse mo na yan para hindi tanggapin yung mga challenges at oppurtunities na darating sayo. Hanggang sa makilala kang, "*insert yo name here*-THE LOSER"  *no offense 

God bless you!


Super Tatay :)



Dear Incredible,
Ikaw daw pinaka-kamuka ko satin? Sabagay, pisngi pa lang magkakaalaman na. Haha. Ikaw pala salarin tay eh. :))
Para kay tatay:
-Na palaging gutom. At mahilig mag-midnight snack ng itlog na pula at kanin.
-Na walang palya sa pagtaya sa lotto..at may notebook pa para sa mga combination..at nagssolve-solve pa ng mga numerong itataya..at nagagalit pag nagloloko ang radio dahil
di niya mapapakinggan ang draw..at binu-budget na ang mapapanaluhan niya na jackpot habang kumakain ng hopiang baboy..at tumatama ng isang numero lang kadalasan..at nanghihinayang ng malupit..at mapapa-sabi ng malutong na bad bad words..at matatawa na lang ang makakarinig..at itutulog na lang.. At tataya na ulit kinabukasan. *cycle*

- Na composer /singer ng mga instant at original na kanta habang naglalabas ng sama ng loob.
-Na dumadayo pa sa mga piyesta para abangan ang mga musikong tutugtog sa parada. At pagkatapos e gagayahin na niya yung iba’t-ibang tunog na narinig niya run. *totototurorottotot* with matching hand gestures and actions na parang tumu-tugtog nga siya ng totoong trumpeta.
-Mahilig sa handaan at kainan.
-Naggagawa pa rin ng libro kahit retired na para malibang siya.
-Na ‘Kalyoni’ ang tinatawag niya sa sarili niya. Na-hindi ko alam kung sang bansa nanggaling o kung meron nga bang salitang ganun. San niya nahugot yon. Haha.
-Na parang laging nakikipag-away pag nakikipag-usap dahil sa sobrang lakas ng boses.
-Na pwedeng gawin alarm clock sa umaga.
-Na mahilig magpakain ng manok at sisiw.
-Na naglalaro ng baraha pagkagising, habang nagbabantay sa tindahan, pagka-kain at bago matulog, pagkagaling sa banyo, pagkauwi etc
-Na ang tawag kay nanay ay kundi Spanky, Skinny, eh Ising.
-Na walang bisyo pero mahilig sa yummy at super healthy na pagkain gaya ng crispy pata.
-Na parang pang-scrub ang talampakan dahil may El Nino sa paa.
-Nag-ggel ng buhok pag-magsisimba. At cute siya pag ganun. Swear.
 
-Na merong pinaka-kakaiba at pinaka-masayang tawa.
-Na ayaw ipakitang nag-aalala siya sayo dahil nakokornihan pero nararamdaman mo pa rin.
-Na binibigyan ako/kami ng baon at pagkain. Di mo na kailangan manghingi, basta meron siya.
-Na pproblemahin pati problema mo.
-Na-sobrang dami pa pero lalagpas na sa birthday niya pag sinabi ko pa…
Happy 81st Tay! Hinding hindi po sasapat itong greeting na to sa lahat ng mga sinakripisyo at pagod niyo ni Nanay para sa pamilya natin. Super blessed po kaming lahat dahil nandiyan kayo. Alam ko po ayaw niyo ng mga drama-drama. Haha. Sorry tay! Basta pagaling po kayo. Magpalakas kayo lalo at magpataba na ulit! Pray po tayo lagi. At tiwala lang po tayo kay Lord. He is our perfect healer. Wee. Happy happy:D Sayang talaga at di ako makakapunta sa birthday niyo pero alam kong mapupuno at aapaw ng pagmamahal diyan sa inyo dahil andiyan silang lahat. We love you Incredible Tatay! Long live. God bless you always!