Naiiyak ako ngayon. Alam ko kung bakit. May nararamdaman akong sakit sa puso ko. Hindi ko alam kung san parte pero alam ko, literal na kumikirot.
Bakit ba kailangan
magmarinade? Sabi nila mahalaga to sa pagpapasarap ng pagkain. Tama nga naman.
Mas gusto natin yung malasa diba? Sabi rin ng iba mas lumalambot daw yung karne
pagbinabad to ng matagal. Mas malinamnam. Ulalalam. Haha.
Normal na araw na naman ang lumipas sa buhay ng babaeng
ulyanin kaya na-feel niyang kailangan niyang i-report ito
kay TB para di niya
malimutan at pwede niyang balik-balikan. Medyo nanibago sya. Hanep. Ilang buwan
na rin bago sya nakapagsulat. Hindi niya alam kung pano to simulan. Masyadong
marami at halo-halo ang laman ng utak nya sa mga panahong iyon. Haha. (Ang
hirap ng exam ko sa solid mensu, hindi ko kase inaral masyado, Parang sa ibang
planeta ata galing yung reference ng teacher naming sa RC, nagaral naman ako e
bat puro intsik ang nakasulat, di ko tuloy nabasa, nanghula lang ako sa iba,
parang natatae ulit ako, masarap kaya yung ulam ngayon sa paquita, anong oras
kaya uuwi si sha, itutuloy ko nab a tong sinusulat ko o ano, blah blah)
Sinara
na muna nya ang word. At nagmuni-muni.
Theeeen, As I glance over the saved files, I accidentally saw
these journal entries.
grace.
I give up. 30 mins na kong late kung papasok pa ko. What’s
the problem? Alam kong mahirap yung ginagawa ko pero bat hindi ko matagalan??
Bakit ang bilis ko mawalan ng gana at sumuko na lang basta? Gusto ko. GUSTO KO
NG PAHINGA. Ala ko sa balance ngayon.
LORD, TAMA BA GAGAWIN KO?
Humiga ako. Tinext ko si mame, tinanong ko kung pwedeng
tumawag siyan sakin ngayon na. Pero ang tagal bago sya magreply kaya ako na
lang tumawag kahit labag sa kalooban kong gamitin yung regular load.
Magpahinga na lang raw ako. At wag ma-stress. Kumain. Matulog.
Uminom ng gamot . Hindi naman raw nag-aaral para magkasakit at mamatay ng
maaga. Infairness, may point ang mudraks.
“Ay Nako Nani, yung ibang bagay kaya ko gawan ng paraan lahat yan, pero
pagnagkakasakit kayong ganyan, nag-aalala ako . Panapapabayaan mo kasi sarili
mo…….so time-consuming to mention.”
Awww Mame
Sinabay ko na rin yung pagbalita na malapit na maubos ang
allowance ko. Agad naman siyang nagsabi ng OKAY. Alam na. Effective talaga yun
sa mga gantong panahon. Haha. Nagbye na kami sa isa’t isa, update ko na lang
raw siya maya maya at magpray daw ako para maging ayos na ang lahat.
Hininaan ko electric fan at humiga na ko ulit. Nagtext si mame ulit, “We Love you anak. God bless"
Awww ulit. Ahaha. Si mame may pagka-MMK rin talaga minsan.
Love you!
Prayer
Thank you Lord for giving me an awesome mom. A loving family
and wonderful buddies. Thank you Lord dahil you never fail to make me feel that
I’m very special. Thank you for your boundless love. You always find and rescue
me kahit ako ang may kasalanan at may pagkukulang. I wished for such things but
you have given me more than I could ever think of. I have received so much
grace from you. I love you. May I glorify and praise Your name through all my
acts and thoughts today. May I also be a blessing to the people around me. Amen
Hindi na nga ko pumasok ng araw na yun. Tumawag mga
classmates ko para tanungin kung bakit di ako pumasok. Binalita rin nila na
take-home yung plate so walang pinapasa kanina. Yehey. Sakto. Iba talaga si
Lord! =))))))))))
-signed
A girl’s heart.
Para sakin sensitive at gentle ang puso ng mga babae. Agree
ka naman diba? Haha. Yung sa lalaki, di ko masabi. Siguro naman. Baka parehas
lang sila o ewan. Oo, baka parehas nga. Haha.
Naranasan mo na bang ma-fall sa tao? Hahaha. For sure, oo.
Ako din eh. Actually, hindi ko nga naiwasan yan dati. Gusto
ko na magsorry in advance pero hindi ko ata madedetalye ang kwento ko pagdating
dyan.
Ating pamagatang,
The greatest downfall(thousand years ago)
Emotional rollercoaster. Gustong kong hindi maging affected
pero nasasaktan pa rin ako. Pinipilit kong maging masaya pero bakit parang
napaka-hirap gawin. Bakit parang ang hirap talikuran na lang lahat ng yon.
Bakit parang di ko kakayanin pag wala siya? (napaka-lost lang ng dating)
Yang mga salitang yan ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko nung mga
panahong yon.
Finally, sinabi ko sa sarili ko, Tigilan na. Hindi ko
nahahayaang mangyari ulit sakin to.
Hinayaan ko na lang ang panahon ang gumawa ng paraan para magheal yun at
eventually, makalimutan ko na sya.
Nag personal pledge nga pala ako sa sarili ko. :)
Promise: I will wait. Patiently.
Tapos nun, marami na rin akong natutunan mula sa mga tao sa
paligid ko. Kay mame. Kay ate. Sa mga friends ko. Kay Joy. Kay Sha. Kay
Christine. Kay Chai. Kay Ate Mikha. Kay Shae. Kay ate Mine. Kay Ate Jenavee. At
kay Ate Lj. At marami pang iba. Lahat sila nagsisilbing inspirasyon para sakin.Sa katanuyan, yung mga ilang mababanggit ko ngayon, galing
sa kanila.
Nakita ko sa Facebook nung isang araw,
"Fall in love when
you’re ready not when your lonely."
Haha. Natawa ko. Tama e. Sana naman tama pagka-quote ko. Di ko na na-check eh.Haha.
Maraming temptations ang nagaabang
sa isang malungkot na tao. Marami ka kasing pwedeng maging outlet. Pwede mong
maisipang tumungga ng unlimited beer, o kaya manigarilyo forever, o kumain
hanggang ma-impatso, o umakyat sa Mt. Everest at doon tumalon. Maraming ka pang
pwedeng maisipan gawin wag depressed ka pero ang pinaka-common sa panahon natin
ngayon ay ang maghanap ng *drumroll* … Love Life. <3 i="i">3>
Gusto kasi natin yung feeling ng may nagpapahalaga satin.
Gusto natin ma-feel na espesyal tayo sa ibang tao. Yung secured tayo. Yung may
magpapasaya satin tuwing malungkot tayo. Yung laging nasa tabi natin pag
kelangan natin sila. Yung maghahatid at magsusundo satin sa school. Yung gagawa
ng project at assignment natin. Yung bibili ng pagkain natin. Yung magdadala ng
bag natin. Yung magbubukas ng pinto para satin. HAHAHAHA. Ayiiiee. Di naman
ganon.
At sobrang atat natin minsan sa mga ganyang bagay, di natin
napapansin na masyado na tayong nagmamadali. Hindi natin namamalayan na para na
tayong nagsusuot ng masisikip at maliliit na pares ng sapatos, pilit na
pinagkakasya hanggang sa magkapaltos at masaktan ang mga paa. Minsan, sa
sobrang pagmamadali, nababalewala na natin yung mga sarili nating standards.
Haha. Minsan kahit di pa nating gano kilalala, okay lang e.
Basta magaling siya magbasketball, okay na yan! Magaling siya mag-doodle jump,
Sya na talaga foreverrrrr. B))))
Biro lang. Pero may mga nangyayaring ganon oy, hindi nga lang doodle jump.
Fruit Ninja naman. :P
Yun siguro ang sa tingin kong nagiging cause ng heartbreaks.
Ang pag-fall nang hindi ka pa ready. O
pwede rin ang pag fall sa maling tao. Actually, hindi siya maling tao. Hindi
lang siya siguro para sayo. O pwede rin ang sobrang pagdepend ng kasiyahan niyo
sa isa’t isa. Pag inasa mo kasi yung lahat happiness mo o pati buhay mo sa
isang tao, oo magiging okay ka talaga pagandyan siya, pero paano pag wala na?
Paano pag napagod siya? O ikaw? Hindi mo talaga pwedeng asahan ang tao sa lahat
ng bagay dahil unang-una, hindi sila perpekto. Darating at darating ang oras na
magkakamali sila. Darating ang pagkakataon na mapapagod silang gawin yung mga
ginagawa nila. Maari ring bigla na lang silang magsawa. Pagnangyari yun, pano
na yung kasiyahan mo? Pano na yung buhay mo?
Sino nga ba talaga ang para satin???
Hindi ko rin masasagot yan. Pero meron lang akong isang
sigurado. Si God ang nakakaalam kung sino ang pinakaperpektong tao para sayo.
Sya rin ang bahala sa pinaka-best (pinaka na, best pa. San ka pa. Haha) na
timing kung kelan darating sayo yun. Wag ka gaanong mainip. Tini-train pa ni
Lord yun para pagdating niya sayo, hindi na sasakit ang ulo mo. :) Napaka-special mo para
kay Lord, kaya ibibigay Niya sayo yung tao na i-ppursue ka no matter what it
takes.
Hindi mo na kailangang ipilit. Hindi mo na kailangang
magtiyaga sa Pwede Na. We don't have to settle for anything less. Ang kailangan
mo lang, Magtiwala sa Kanya. Be strong and courageous. Sabi nga nila, Good things
come to those who wait. :) God is a Big God. You have plans for yourself but He has brighter and bigger
plans for you!
P.S.
Guard your Heart.
If we continue to copy what we see in the world, paulit-ulit
lang rin tayong ma-ffail. I’m not saying pigilan natin ang mga sarili natin.
Haha. Ano ba. Normal naman ang maka-appreciate ng isang tao. Napaka-abno ko
naman kung wala akong crush. =)) Minsan nakakaranas ako ng shortcomings
pagdating sa love na yan na normal lang naman. Pero hindi ko dapat maging
excuse yun para masira ang pledge ko sa sarili ko. I will patiently wait.
Magbibigay satin ng sign si Lord kung time na para i-keribels ang mga
bagay-bagay, but for now, Let’s enjoy our relationship to others. Let’s plant
seeds and let God make it grow. Gamitin natin yung time na to, para i-improve
yung mga sarili natin. Personality development kumbaga. :) I-assign rin natin yung part
na to ng buhay natin para sa studies natin. Gift na rin yun para sa parents natin
diba? And lastly, most important, Let’s
make time to know God more. Through His words. Yun ang maggguide sa’tin sa
araw-araw. And make everyday an opportunity to praise, follow and serve Him
even in simple ways. :)
Live your life to the fullest pretty! You’re perfectly made by our Perfect God, Stay wonderful! <3 be="be" guard="guard" on="on" span="span" your="your">3>
-signed
Hindi ko pa rin
maiwasan maluha. Siguro dahil rin sa electricfan nasa harap ko ngayon. Pero iba lang talaga sa feeling yung mabasa ko ulit ang mga to. This reminded me kung gaano ko
na-blessed ni Lord for the past days of my life and how I failed to remember it
lately. Masyado kong nag-focus sa mundo ngayon at hindi ako nagging aware
nagiging dependent na ko sa sarili ko, kaya pala ang bilis ko na namang matae.
Joke. Mapagod.
Oh Lord I’m sorry. Thank
you for letting me read this again. Thank you for reminding me that I am never
alone and that you are with always with me.
Please renew my heart and help me to restrain from the things that will
draw me away from you.I love you. ..
No comments:
Post a Comment