Don't worry, 'cause no matter how bad your day starts, You still don't know how it'll end.

HEART. Core of human existence//Seat of feelings/desires/passions/aspirations//Innermost of being.

Tuesday, January 15, 2013

Goodnight!


Naggala ako sa tumblr, habang nagpapaantok. At...



 Crush ko talaga si Jake forever!!!! :''''>>> HAHA



 Someday.




 May naalala ko ditoooo. :')





Absolutely right. 

:')  Good mornight! God bless! Sweet dreams!

saturated.



Naiiyak ako ngayon. Alam ko kung bakit. May nararamdaman akong sakit sa puso ko. Hindi ko alam kung san parte pero alam ko, literal na kumikirot.
Bakit ba kailangan magmarinade? Sabi nila mahalaga to sa pagpapasarap ng pagkain. Tama nga naman. Mas gusto natin yung malasa diba? Sabi rin ng iba mas lumalambot daw yung karne pagbinabad to ng matagal. Mas malinamnam. Ulalalam. Haha.

Normal na araw na naman ang lumipas sa buhay ng babaeng ulyanin kaya na-feel niyang kailangan niyang i-report ito
kay TB para di niya malimutan at pwede niyang balik-balikan. Medyo nanibago sya. Hanep. Ilang buwan na rin bago sya nakapagsulat. Hindi niya alam kung pano to simulan. Masyadong marami at halo-halo ang laman ng utak nya sa mga panahong iyon. Haha. (Ang hirap ng exam ko sa solid mensu, hindi ko kase inaral masyado, Parang sa ibang planeta ata galing yung reference ng teacher naming sa RC, nagaral naman ako e bat puro intsik ang nakasulat, di ko tuloy nabasa, nanghula lang ako sa iba, parang natatae ulit ako, masarap kaya yung ulam ngayon sa paquita, anong oras kaya uuwi si sha, itutuloy ko nab a tong sinusulat ko o ano, blah blah)
Sinara na muna nya ang word. At nagmuni-muni.


Theeeen, As I glance over the saved files, I accidentally saw these journal entries.

Sept. 5, 2012

grace.

I give up. 30 mins na kong late kung papasok pa ko. What’s the problem? Alam kong mahirap yung ginagawa ko pero bat hindi ko matagalan?? Bakit ang bilis ko mawalan ng gana at sumuko na lang basta? Gusto ko. GUSTO KO NG PAHINGA. Ala ko sa balance ngayon.
LORD, TAMA BA GAGAWIN KO?

Humiga ako. Tinext ko si mame, tinanong ko kung pwedeng tumawag siyan sakin ngayon na. Pero ang tagal bago sya magreply kaya ako na lang tumawag kahit labag sa kalooban kong gamitin yung regular load.

 MAMEEEEEE, BLAH BLAH BLAH CHU CHU CHENALU EK EK.(with crying effect)

Magpahinga na lang raw ako. At wag ma-stress. Kumain. Matulog. Uminom ng gamot . Hindi naman raw nag-aaral para magkasakit at mamatay ng maaga. Infairness, may point ang mudraks. “Ay Nako Nani, yung ibang bagay kaya ko gawan ng paraan lahat yan, pero pagnagkakasakit kayong ganyan, nag-aalala ako . Panapapabayaan mo kasi sarili mo…….so time-consuming to mention.” 

Awww Mame

Sinabay ko na rin yung pagbalita na malapit na maubos ang allowance ko. Agad naman siyang nagsabi ng OKAY. Alam na. Effective talaga yun sa mga gantong panahon. Haha. Nagbye na kami sa isa’t isa, update ko na lang raw siya maya maya at magpray daw ako para maging ayos na ang lahat.


PANATAG. 
Hininaan ko electric fan at humiga na ko ulit. Nagtext si mame ulit, “We Love you anak. God bless"


Awww ulit. Ahaha. Si mame may pagka-MMK rin talaga minsan. Love you!


Prayer

Thank you Lord for giving me an awesome mom. A loving family and wonderful buddies. Thank you Lord dahil you never fail to make me feel that I’m very special. Thank you for your boundless love. You always find and rescue me kahit ako ang may kasalanan at may pagkukulang. I wished for such things but you have given me more than I could ever think of. I have received so much grace from you. I love you. May I glorify and praise Your name through all my acts and thoughts today. May I also be a blessing to the people around me. Amen


Hindi na nga ko pumasok ng araw na yun. Tumawag mga classmates ko para tanungin kung bakit di ako pumasok. Binalita rin nila na take-home yung plate so walang pinapasa kanina. Yehey. Sakto. Iba talaga si Lord! =))))))))))

-signed


Sept. 29, 2012

A girl’s heart.

Para sakin sensitive at gentle ang puso ng mga babae. Agree ka naman diba? Haha. Yung sa lalaki, di ko masabi. Siguro naman. Baka parehas lang sila o ewan. Oo, baka parehas nga. Haha.
Naranasan mo na bang ma-fall sa tao? Hahaha. For sure, oo.
Ako din eh. Actually, hindi ko nga naiwasan yan dati. Gusto ko na magsorry in advance pero hindi ko ata madedetalye ang kwento ko pagdating dyan.


Ating pamagatang,

 The greatest downfall(thousand years ago)

Emotional rollercoaster. Gustong kong hindi maging affected pero nasasaktan pa rin ako. Pinipilit kong maging masaya pero bakit parang napaka-hirap gawin. Bakit parang ang hirap talikuran na lang lahat ng yon. Bakit parang di ko kakayanin pag wala siya? (napaka-lost lang ng dating)

 Ano ba Lara, di naman kayo ay. Ni wala nga siguro syang idea na nasasaktan ka ngayon e. Hindi siguro, talagang wala. Oo nga. Ayaw mo pumasok sa relationship pero parang ganun din naman ang nangyari sayo ngayon. Wala ngang kayo pero hindi ganun ang pagtrato mo sa sitwasyon. Kasalanan mo din dahil ikaw ang naglagay ng sarili mo dyan sa lugar na yan.

Yang mga salitang yan ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko nung mga panahong yon.


Finally, sinabi ko sa sarili ko, Tigilan na. Hindi ko nahahayaang mangyari ulit sakin to.  Hinayaan ko na lang ang panahon ang gumawa ng paraan para magheal yun at eventually, makalimutan ko na sya.


Nag personal pledge nga pala ako sa sarili ko. :)

Promise: I will wait. Patiently.

Tapos nun, marami na rin akong natutunan mula sa mga tao sa paligid ko. Kay mame. Kay ate. Sa mga friends ko. Kay Joy. Kay Sha. Kay Christine. Kay Chai. Kay Ate Mikha. Kay Shae. Kay ate Mine. Kay Ate Jenavee. At kay Ate Lj. At marami pang iba. Lahat sila nagsisilbing inspirasyon para sakin.Sa katanuyan, yung mga ilang mababanggit ko ngayon, galing sa kanila.

Nakita ko sa Facebook nung isang araw, 
"Fall in love when you’re ready not when your lonely."
Haha. Natawa ko. Tama e. Sana naman tama pagka-quote ko. Di ko na na-check eh.Haha.

Maraming temptations ang nagaabang sa isang malungkot na tao. Marami ka kasing pwedeng maging outlet. Pwede mong maisipang tumungga ng unlimited beer, o kaya manigarilyo forever, o kumain hanggang ma-impatso, o umakyat sa Mt. Everest at doon tumalon. Maraming ka pang pwedeng maisipan gawin wag depressed ka pero ang pinaka-common sa panahon natin ngayon ay ang maghanap ng *drumroll* … Love Life. <3 i="i">


Gusto kasi natin yung feeling ng may nagpapahalaga satin. Gusto natin ma-feel na espesyal tayo sa ibang tao. Yung secured tayo. Yung may magpapasaya satin tuwing malungkot tayo. Yung laging nasa tabi natin pag kelangan natin sila. Yung maghahatid at magsusundo satin sa school. Yung gagawa ng project at assignment natin. Yung bibili ng pagkain natin. Yung magdadala ng bag natin. Yung magbubukas ng pinto para satin. HAHAHAHA. Ayiiiee. Di naman ganon.

At sobrang atat natin minsan sa mga ganyang bagay, di natin napapansin na masyado na tayong nagmamadali. Hindi natin namamalayan na para na tayong nagsusuot ng masisikip at maliliit na pares ng sapatos, pilit na pinagkakasya hanggang sa magkapaltos at masaktan ang mga paa. Minsan, sa sobrang pagmamadali, nababalewala na natin yung mga sarili nating standards.

Haha. Minsan kahit di pa nating gano kilalala, okay lang e. Basta magaling siya magbasketball, okay na yan! Magaling siya mag-doodle jump, Sya na talaga foreverrrrr. B)))) Biro lang. Pero may mga nangyayaring ganon oy, hindi nga lang doodle jump. Fruit Ninja naman. :P

Yun siguro ang sa tingin kong nagiging cause ng heartbreaks. Ang  pag-fall nang hindi ka pa ready. O pwede rin ang pag fall sa maling tao. Actually, hindi siya maling tao. Hindi lang siya siguro para sayo. O pwede rin ang sobrang pagdepend ng kasiyahan niyo sa isa’t isa. Pag inasa mo kasi yung lahat happiness mo o pati buhay mo sa isang tao, oo magiging okay ka talaga pagandyan siya, pero paano pag wala na? Paano pag napagod siya? O ikaw? Hindi mo talaga pwedeng asahan ang tao sa lahat ng bagay dahil unang-una, hindi sila perpekto. Darating at darating ang oras na magkakamali sila. Darating ang pagkakataon na mapapagod silang gawin yung mga ginagawa nila. Maari ring bigla na lang silang magsawa. Pagnangyari yun, pano na yung kasiyahan mo? Pano na yung buhay mo?




Sino nga ba talaga ang para satin???

Hindi ko rin masasagot yan. Pero meron lang akong isang sigurado. Si God ang nakakaalam kung sino ang pinakaperpektong tao para sayo. Sya rin ang bahala sa pinaka-best (pinaka na, best pa. San ka pa. Haha) na timing kung kelan darating sayo yun. Wag ka gaanong mainip. Tini-train pa ni Lord yun para pagdating niya sayo, hindi na sasakit ang ulo mo. :) Napaka-special mo para kay Lord, kaya ibibigay Niya sayo yung tao na i-ppursue ka no matter what it takes.

Hindi mo na kailangang ipilit. Hindi mo na kailangang magtiyaga sa Pwede Na. We don't have to settle for anything less. Ang kailangan mo lang, Magtiwala sa Kanya. Be strong and courageous. Sabi nga nila, Good things come to those who wait. :) God is a Big God. You have plans for yourself but He has brighter and bigger plans for you!

P.S.

Guard your Heart.

If we continue to copy what we see in the world, paulit-ulit lang rin tayong ma-ffail. I’m not saying pigilan natin ang mga sarili natin. Haha. Ano ba. Normal naman ang maka-appreciate ng isang tao. Napaka-abno ko naman kung wala akong crush. =)) Minsan nakakaranas ako ng shortcomings pagdating sa love na yan na normal lang naman. Pero hindi ko dapat maging excuse yun para masira ang pledge ko sa sarili ko. I will patiently wait. Magbibigay satin ng sign si Lord kung time na para i-keribels ang mga bagay-bagay, but for now, Let’s enjoy our relationship to others. Let’s plant seeds and let God make it grow. Gamitin natin yung time na to, para i-improve yung mga sarili natin. Personality development kumbaga. :) I-assign rin natin yung part na to ng buhay natin para sa studies natin. Gift na rin yun para sa parents natin diba?  And lastly, most important, Let’s make time to know God more. Through His words. Yun ang maggguide sa’tin sa araw-araw. And make everyday an opportunity to praise, follow and serve Him even in simple ways. :)

Live your life to the fullest pretty! You’re perfectly made by our Perfect God, Stay wonderful!  <3 be="be" guard="guard" on="on" span="span" your="your">

-signed

Hindi ko pa rin maiwasan maluha. Siguro dahil rin sa electricfan nasa harap ko ngayon. Pero iba lang talaga sa feeling yung mabasa ko ulit ang mga to. This reminded me kung gaano ko na-blessed ni Lord for the past days of my life and how I failed to remember it lately. Masyado kong nag-focus sa mundo ngayon at hindi ako nagging aware nagiging dependent na ko sa sarili ko, kaya pala ang bilis ko na namang matae. Joke. Mapagod.

Oh Lord I’m sorry. Thank you for letting me read this again. Thank you for reminding me that I am never alone and that you are with always with me.  Please renew my heart and help me to restrain from the things that will draw me away from you.I love you. ..