Matapang ka na ba? Ano sa palagay mo? Oo, baka matapang ka dahil mahilig ka sa away. O kaya naman dahil di ka umiiyak tuwing nagbbreak kayo ng mahal mo. O Siguro di ka na natatakot na baka may lumabas na tren o kaya pari sa sugat mo. Haha. Ganyan ako nung bata ako e. Madaming beses na kong nagkasugat at maraming beses ko na ring inabangan yang mga tren na yan na lalabas raw sa sugat ko pero hanggang sa nagsara na yung sugat ko, wala pa ring dumadating na tren. Anyways, siguro matapang ka na nga..... Sa mga bagay na kayang-kaya mo.
Wala raw puwang sa mundo ang mga mahihina, sabi nila. Sabagay, tama. May mga bagay kasi na kusang dumarating e, yung wala man lang go signal. Meron pa ngang ni minsan di mo naimagine na mangyayari. Paano na lang kung may mangyaring ganun? Yung kahit ayaw mong paniwalaan, wala ka nang magagawa kundi tanggapin. Naalala ko yung kadalasang eksena sa mga movie, kakausapin ng mga nanay yung anak nila habang nasa loob pa ng tyan:Anak, kung pwede lang habang buhay na kitang alagaan sa loob ng tyan ko para di mo na maransan ang hirap ng buhay dito sa mundo.Taray ng mudraks! Haha. Pero touching. Ganyan tayo kamahal ng mga magulang natin. :)This Girl.Share ko lang kung ano yung mga natutunan ko. As they say. experiences are the best teachers :)I can't promise you na tama lahat ng mababasa niyo. Bukod sa tao lang ang gumawa nito, di lahat sasang-ayunan niyo. Yung iba, iwan niyo na lang, yung may sense, pulutin.I did grow up in a nice family. Pinag-iisipan ko kanina kung i-ddescribe ko ba lahat sila sa inyo at ang buhay namin. At the end of the day napagdesisyunan kong wag na. For some reasons. Una, sino naman ako para i-share pa yun. Haha. Pangalawa, sometimes it's nice to keep things private. Parang di na interesting at exciting kapag alam na natin lahat. One thing to share, they're just like your family. Yung mga ginagawa natin, wala namang espesyal dun e. Nagiging espesyal lang lahat yan pag kasama mong magspend yung mga mahal mo sa buhay. We can't enjoy things without people to share it with. May cake nga, spagetti, pizza, icecream, chicken pero wala namang kasamang kumain. Kanino mo nalang sasabihing, Ito ang pinakamasarap ng spagetting nakain ko!Marami na kong naranasang emotional roller-coaster no. Di naman natin maiiwasan yun diba. One minute your happy, the next, you're miserable. Haha. Kasi nga di natin kontrolado yung mga pangyayari. The best way to cope is to go with the flow. Many times you might cry. Then you'll ask him, why. Wow, rhyme. :)Siguro normal lang yun. Ako rin ganun e, kahit mababaw lang, yung nag-away kami ng classmate ko dahil sa i-sprayan ng pabango(Naglalaro lang ata kami nun e), tas yung palagi ako nakakawala ng gamit, yung ang bigat lang nung feeling ko kaya iniyak ko nalang. Tas meron ring mabibigat na dahilan. Yun. Alam mo yung pakiramdam ng wala ka ng malabas na luha sa sobrang sakit ng nararamdaman mo?
First thought: I'm so weak. I feel less of a person. Why can't i do anything about this. Blahh. Blahh. Matindi pa pagsinabing, I hate myself. Always remember that you have no right to hate yourself. The rest of the world can hate you, pano pag lahat sila nawala, Sino na lang ang matitira? Sino na lang ang magmamahal sayo? Sabi nga diba, Hindi ka paniniwalaan ng iba kung ang sarili mo di mo mapaniwalaan. Pano nila masasabing Maganda Ka kung di ka nagagandahan sa sarili mo? Paano ka mag-eexcell kung wala kang tiwala sa kakayahan mo?? I believe that you got the point.Dumadaan tayo lahat sa point na ganyan. Dalawa lang patutunguhan niyan, It's either you overcome ( Kung titibayan mo ang loob mo. Magtitiwala sa sarili. At higit sa lahat, sa Kanya. He's always here for us and will never leave us specially in times of trouble.) or you fail ( Which is ayoko ng i-elaborate dahil there's no reason for us to come this way)Balik tayo sa Title ng Post na 'to.To be strong, BE WEAK.Hindi ka magiging malakas kung di mo mararanasang maging mahina. We are all facing trials. Siguro sa iba't ibang paraan. Kahit na yung pinaka-mayaman sa mundo hindi pwedeng wala silang problema, kadalasan sila pa nga ang may mga malalaking problema eh. I don't know why dahil di ko pa nararanasang maging bigtime. Haha.
Every trial is an oppurtunity for God to teach us lessons. Lessons that we absolutely need to improve ourselves and our lives.
Isipin mo na lang na, lahat may purpose kung bakit sila nangyayari.Like,Nawala yung super latest mong gadget, Siguro dahil kung di pa yun nawala, sapilitang kukunin yun sa'yo yun ng magnanakaw at baka maging dahilan pa ng pagkamatay, ang drastic naman, di naman ganun, baka masaktan ka pa diba. Atleast nasave ka. :)Nagbreak kayo ng Gf/Bf mo. Or nawala yung special feelings ng isa sa inyo. Alam mo kasi, yung feelings yan ang pinaka-mabilis na magbago sa mundong to.Daig pa nyan ang weather o ang paglipat mo ng channel o kahit ang pagpapalit ng look ni lady gaga. Madami kasing factors na nakaka-aapekto. Time, Distance, So on. Isa-isahin natin yan, sa ibang pagkakataon naman. Haha. Alam mo may reason yun, siguro baka pag pinagpatuloy pa ninyo yung kung ano mang meron e parehas pang makasama sa inyong dalawa. Siguro para mas mapagtuunan niyo yung mga priorities niyo, gaya ng pag-aaral. O baka kailangan niyo lang ng time para ma-realize kung gano kahalaga ang isa't isa. Odibaaa.Lagi ka lang tumingin sa mga positive. Yun ang makakatulong sayo e. Kelan ba nakatulong yung negative satin?? Maliban sa pagssolve ng problems about algebra ha. Yakang-yaka lahat yan as long as God is with us.Last note:Ang tanging permanente lang sa mundo ay pagbabago. So ibig sabihin mas marami pang darating satin along the way. Minsan good, minsan bad. Pero syempre. we're all hoping for good. Kasama niyo ko sa pagppray na mas madaming good ang dumating satin kaysa sa bad. At kung meron mang bad, mapagtagumapayan natin yun at maging stronger and better tayo. Para pag may dumating pang mas mabigat dun e may ikakasa na tayo. Di na tayo pwedeng matibag! :)Thanks for your time. God bless us!Readers: You can make your comments here. Chika chika tayo. Salamat! :D