DIV
BEST PLACE TO SHOP
- Just Don't Rain :D
Ang hirap maging disoriented.. Tsss. Hindi naman sa laging preoccupied ang isip ko ah. Ewan ko, siguro kulang lang talaga ko sa presence of mind paminsan. O baka kadalasan.BLUUUUUUUUURRRRRRRRP O.O Ooops. Ang tyan ko. Sana di narinig ng katabi ko. Halos tatlong oras na pala akong naka-upo sa napakalamig na bus na to. At GUTOM NA KO Srsly. Kasalanan ko naman e. Madami nang dumaaang mga nagtitinda dito sa loob kanina, di pa ko namili. Siguro mas gusto kong busugin na lang muna ang sarili ko sa pag-iisip ng mga bagay bagay. Ilang araw na lang dito na ko titira. Sa napakalayong lugar. Matagal kong di makikita sila mame. Ang mga kapatid ko. Ang iba ko pang kasama sa bahay. Ang bahay. Ang sari-sari store ni lola angie na lagi kong binabatayan. Ang aso. Ang mga tuta. Ang pusang paborito ko. Ang mamihan sa tabi ng bahay namin. Ang bakery na nagtitinda ng paborito kong hopia at ng inaalmusal kong pandesal. Ang... Okay. Tama na. Alam na nilang madami kang mamimiss. :) Stop this melodrama AT LAST!! AVENIDA NA. OYEAH! Lakad lakad kami papuntang LRT. Tae, bakit ang bilis nilang maglakad?? Kala mo may hinahabol na magnanakaw e. O kaya parang lahat sila late na sa pupuntahan nila. Di ko ata kayang makisabay sa mga to. Naalala ko tuloy yung sabi sakin ng isang concerned friend. Alert lang dapat lagi. Ang sakit sakit na ng braso at binti ko. Anobeyen. Pagnagkaka-edad ka nga naman oo. CHOS! HAHA. Nangalay lang to ano ba. Odi ganun na nga.
Ohmy, Kailangan pang marinig ng gerlalu ang reminder para maka-upo ang jontis. KALURKEY!Nakakahiya naman yun. Pero pano naman pag dinedma ko, edi mas lalong mali. Kasi di ko ginawa yung tama. After ilang isip isip. PAK Nakahawak na ko sa hand something. Di ko alam tawag sa kanya. Sorry tao sa mula. Yung mga nakasabit lang sa taas, yung hinahawakan ng mga nakatayo? Knows na? :) Minsan talaga ang hirap gumawa ng mabuti. Nakakahiya. Baka isipin ng iba, nagpapasikat ka o kaya nagpapakabayani. Factor din yung, Di na gaanong uso ngayon yung paggawa ng mabuti? O nakakatamad? Nakakapagod? Pero pag inisip natin. Hindi ba yun nga yung challenge? Ang gumawa ng Kabutihan sa kabila ng Kahirapan Mahirap naman talaga gawin yun. Napaka-hypocrite ko naman kung sasabihin kong petiks lang yun. Hindi naman tayo perfect e. Kaya nga tayo nasa mundong to para magkamali. At okay lang kahit paulit-ulit tayong magkamali kung paulit-ulit rin tayong natuto sa bawat pagkakamaling yun. Kung lahat alam mo, Kakailanganing mo pa ba ang tulong Niya? Hahanapin mo pa rin kaya Siya? CHALLENGE CHALLENGE CHALLENGE It is certainly hard to live like Jesus. Tayo pa. We can never be like Him. Pero imaginine mo nalang kung gaano makakatulong yung bawat piso na ibibigay mo sa batang-kalye. Kung paano ka makakasagip ng buhay sa simpleng pagtulong. Kung paano makagagaan ng loob yung pagdamay mo sa kaibigang may pinapasan o dinaramdam. Kung paano nakapagpapaganda ng mood yung pagbati at kamusta mo sa mga kakilala mong nasa malayong lugar. Yung pagsabi mo ng i love you sa mga mahal mo. Yung pagbitbit mo ng mga pinamalengke ng lola o ng nanay mo. Yung pagbibigay mo ng sagot sa test sa mga kaklase mong di nakapagreview...... JOKE Iba na yun. Di naman sa hindi ako nangongopya. Ang teamwork kaya na yan ang isa sa bumuhay sakin nung elem at high school no. Ewan ko lang nung kinder? Di ata. Wala naman akong pakialam sa grades ko nun e. Ang tanong, may grades nga ba dun? Siguro naman. School pa rin yun. At syempre i-aassess ang mga bata kahit papano. Di ko lang gaano matandaan. Pero di pa ata namin alam yung mechanics and guidelines for effective copy-paste nun. Tsaka layu-layo yung table namin nun sa isa't isa. Tsaka ang tanging natatandaan ko lang nun ay tumakbo papalayo sa isa kong classmate kasi hinahabol niya kami. Ayos lang sana kung sya lang e, pero hindi. Kasama niya ang sipon nyang tumutulo na umaabot na sa bibig nya. At unti-unti itong... Waah. Forget it. Hindi kanais-nais magsalaysay ng isang balahurang pangyayari habang kumakain ng hapunan.