Don't worry, 'cause no matter how bad your day starts, You still don't know how it'll end.

HEART. Core of human existence//Seat of feelings/desires/passions/aspirations//Innermost of being.

Thursday, November 1, 2012







Wednesday, August 1, 2012



My little Angels. :'>
I love you. May God bless you with more and more blessings. 


People whom you spent your first times with are those you can never forget





Saturday, June 2, 2012

To be strong, BE WEAK.


Matapang ka na ba? Ano sa palagay mo? Oo, baka matapang ka dahil mahilig ka sa away. O kaya naman dahil di ka umiiyak tuwing nagbbreak kayo ng mahal mo. O Siguro di ka na natatakot na baka may lumabas na tren o kaya pari sa sugat mo. Haha. Ganyan ako nung bata ako e. Madaming beses na kong nagkasugat at maraming beses ko na ring inabangan yang mga tren na yan na lalabas raw sa sugat ko pero hanggang sa nagsara na yung sugat ko, wala pa ring dumadating na tren. Anyways, siguro matapang ka na nga..... Sa mga bagay na kayang-kaya mo.

Wala raw puwang sa mundo ang mga mahihina, sabi nila. Sabagay, tama. May mga bagay kasi na kusang dumarating e, yung wala man lang go signal. Meron pa ngang ni minsan di mo naimagine na mangyayari. Paano na lang kung may mangyaring ganun? Yung kahit ayaw mong paniwalaan, wala ka nang magagawa kundi tanggapin. Naalala ko yung kadalasang eksena sa mga movie, kakausapin ng mga nanay yung anak nila habang nasa loob pa ng tyan: 
Anak, kung pwede lang habang buhay na kitang alagaan sa loob ng tyan ko para di mo na maransan ang hirap ng buhay dito sa mundo. 
Taray ng mudraks! Haha. Pero touching. Ganyan tayo kamahal ng mga magulang natin. :)

This Girl.
Share ko lang kung ano yung mga natutunan ko. As they say. experiences are the best teachers :) 
I can't promise you na tama lahat ng mababasa niyo. Bukod sa tao lang ang gumawa nito, di lahat sasang-ayunan niyo. Yung iba, iwan niyo na lang, yung may sense, pulutin.

I did grow up in a nice family. Pinag-iisipan ko kanina kung i-ddescribe ko ba lahat sila sa inyo at ang buhay namin. At the end of the day napagdesisyunan kong wag na. For some reasons. Una, sino naman ako para i-share pa yun. Haha. Pangalawa, sometimes it's nice to keep things private. Parang di na interesting at exciting kapag alam na natin lahat. One thing to share, they're just like your family. Yung mga ginagawa natin, wala namang espesyal dun e. Nagiging espesyal lang lahat yan pag kasama mong magspend yung mga mahal mo sa buhay. We can't enjoy things without people to share it with. May cake nga, spagetti, pizza, icecream, chicken pero wala namang kasamang kumain. Kanino mo nalang sasabihing, Ito ang pinakamasarap ng spagetting nakain ko! 

Marami na kong naranasang emotional roller-coaster no. Di naman natin maiiwasan yun diba. One minute your happy, the next, you're miserable. Haha. Kasi nga di natin kontrolado yung mga pangyayari. The best way to cope is to go with the flow. Many times you might cry. Then you'll ask him, why. Wow, rhyme. :)
Siguro normal lang yun. Ako rin ganun e, kahit mababaw lang, yung nag-away kami ng classmate ko dahil sa  i-sprayan ng pabango(Naglalaro lang ata kami nun e), tas yung palagi ako nakakawala ng gamit, yung ang bigat lang nung feeling ko kaya iniyak ko nalang. Tas meron ring mabibigat na dahilan. Yun. Alam mo yung pakiramdam ng wala ka ng malabas na luha sa sobrang sakit ng nararamdaman mo?

First thought: I'm so weak. I feel less of a person. Why can't i do anything about this. Blahh. Blahh. Matindi pa pagsinabing, I hate myself. Always remember that you have no right to hate yourself. The rest of the world can hate you, pano pag lahat sila nawala, Sino na lang ang matitira? Sino na lang ang magmamahal sayo? Sabi nga diba, Hindi ka paniniwalaan ng iba kung ang sarili mo di mo mapaniwalaan. Pano nila masasabing Maganda Ka kung di ka nagagandahan sa sarili mo? Paano ka mag-eexcell kung wala kang tiwala sa kakayahan mo?? I believe that you got the point.

 Dumadaan tayo lahat sa point na ganyan. Dalawa lang patutunguhan niyan, It's either you overcome ( Kung titibayan mo ang loob mo. Magtitiwala sa sarili. At higit sa lahat, sa Kanya. He's always here for us and will never leave us specially in times of trouble.) or you fail ( Which is ayoko ng i-elaborate dahil there's no reason for us to come this way)

Balik tayo sa Title ng Post na 'to. 
To be strong, BE WEAK.
Hindi ka magiging malakas kung di mo mararanasang maging mahina. We are all facing trials. Siguro sa iba't ibang paraan. Kahit na yung pinaka-mayaman sa mundo hindi pwedeng wala silang problema, kadalasan sila pa nga ang may mga malalaking problema eh. I don't know why dahil di ko pa nararanasang maging bigtime. Haha.

Every trial is an oppurtunity for God to teach us lessons. Lessons that we absolutely need to improve ourselves and our lives.

Isipin mo na lang na, lahat may purpose kung bakit sila nangyayari. 
Like,
Nawala yung super latest mong gadget, Siguro dahil kung di pa yun nawala, sapilitang kukunin yun sa'yo yun ng magnanakaw at baka maging dahilan pa ng pagkamatay, ang drastic naman, di naman ganun, baka masaktan ka pa diba. Atleast nasave ka. :)

Nagbreak kayo ng Gf/Bf mo. Or nawala yung special feelings ng isa sa inyo. Alam mo kasi, yung feelings yan ang pinaka-mabilis na magbago sa mundong to.Daig pa nyan ang weather o ang paglipat mo ng channel o kahit ang pagpapalit ng look ni lady gaga. Madami kasing factors na nakaka-aapekto. Time, Distance, So on. Isa-isahin natin yan, sa ibang pagkakataon naman. Haha. Alam mo may reason yun, siguro baka pag pinagpatuloy pa ninyo yung kung ano mang meron e parehas pang makasama sa inyong dalawa. Siguro para mas mapagtuunan niyo yung mga priorities niyo, gaya ng pag-aaral. O baka kailangan niyo lang ng time para ma-realize kung gano kahalaga ang isa't isa. Odibaaa.

Lagi ka lang tumingin sa mga positive. Yun ang makakatulong sayo e. Kelan ba nakatulong yung negative satin?? Maliban sa pagssolve ng problems about algebra ha. Yakang-yaka lahat yan as long as God is with us. 
Last note:
Ang tanging permanente lang sa mundo ay pagbabago. So ibig sabihin mas marami pang darating satin along the way. Minsan good, minsan bad. Pero syempre. we're all hoping for good. Kasama niyo ko sa pagppray na mas madaming good ang dumating satin kaysa sa bad. At kung meron mang bad, mapagtagumapayan natin yun at maging stronger and better tayo. Para pag may dumating pang mas mabigat dun e may ikakasa na tayo. Di na tayo pwedeng matibag! :) 

Thanks for your time. God bless us!

Readers: You can make your comments here. Chika chika tayo. Salamat! :D

Tuesday, May 22, 2012


 

DIV

BEST PLACE TO SHOP
- Just Don't Rain :D

first time never dies.

May bagyo ata ngayon a. Kanina pa patay-sindi ang ulan.
Ang hirap maging disoriented.. Tsss. Hindi naman sa laging preoccupied ang isip ko ah. Ewan ko, siguro kulang lang talaga ko sa presence of mind paminsan. O baka kadalasan.
BLUUUUUUUUURRRRRRRRP O.O Ooops. Ang tyan ko. Sana di narinig ng katabi ko. Halos tatlong oras na pala akong naka-upo sa napakalamig na bus na to. At GUTOM NA KO Srsly. Kasalanan ko naman e. Madami nang dumaaang mga nagtitinda dito sa loob kanina, di pa ko namili. Siguro mas gusto kong busugin na lang muna ang sarili ko sa pag-iisip ng mga bagay bagay. Ilang araw na lang dito na ko titira. Sa napakalayong lugar. Matagal kong di makikita sila mame. Ang mga kapatid ko. Ang iba ko pang kasama sa bahay. Ang bahay. Ang sari-sari store ni lola angie na lagi kong binabatayan. Ang aso. Ang mga tuta. Ang pusang paborito ko. Ang mamihan sa tabi ng bahay namin. Ang bakery na nagtitinda ng paborito kong hopia at ng inaalmusal kong pandesal. Ang... Okay. Tama na. Alam na nilang madami kang mamimiss. :) Stop this melodrama AT LAST!! AVENIDA NA. OYEAH! Lakad lakad kami papuntang LRT. Tae, bakit ang bilis nilang maglakad?? Kala mo may hinahabol na magnanakaw e. O kaya parang lahat sila late na sa pupuntahan nila. Di ko ata kayang makisabay sa mga to. Naalala ko tuloy yung sabi sakin ng isang concerned friend. Alert lang dapat lagi. Ang sakit sakit na ng braso at binti ko. Anobeyen. Pagnagkaka-edad ka nga naman oo. CHOS! HAHA. Nangalay lang to ano ba. Odi ganun na nga. Fast-forward Punong-puno na naman ang LRT as usual. Swerte pa rin dahil nakahanap ng mauupuan. Pagdating ng next station. May nagsisakayan ulit kaya mas lalong kumapal yung tao sa loob. Di ko tuloy makuha yung phone ko sa bag para i-check ang messages. Ayos laang. Siguro karamihan dun GM o mga share-ko-lang texts. Paalala para sa mga pasahero ng blah blah blah....Ang mga upuan ay ilaan natin para sa mga pasaherong may kapansanan, matatanda, mga buntis at blah blah Kawindang naman neto. Paulit ulit. Pagtingin ko sa harap ko. May... buntis. Papaupuin ko ba sya? E baka naman isipin nya at nila,
Ohmy, Kailangan pang marinig ng gerlalu ang reminder para maka-upo ang jontis. KALURKEY!
Nakakahiya naman yun. Pero pano naman pag dinedma ko, edi mas lalong mali. Kasi di ko ginawa yung tama. After ilang isip isip. PAK Nakahawak na ko sa hand something. Di ko alam tawag sa kanya. Sorry tao sa mula. Yung mga nakasabit lang sa taas, yung hinahawakan ng mga nakatayo? Knows na? :) Minsan talaga ang hirap gumawa ng mabuti. Nakakahiya. Baka isipin ng iba, nagpapasikat ka o kaya nagpapakabayani. Factor din yung, Di na gaanong uso ngayon yung paggawa ng mabuti? O nakakatamad? Nakakapagod? Pero pag inisip natin. Hindi ba yun nga yung challenge? Ang gumawa ng Kabutihan sa kabila ng Kahirapan Mahirap naman talaga gawin yun. Napaka-hypocrite ko naman kung sasabihin kong petiks lang yun. Hindi naman tayo perfect e. Kaya nga tayo nasa mundong to para magkamali. At okay lang kahit paulit-ulit tayong magkamali kung paulit-ulit rin tayong natuto sa bawat pagkakamaling yun. Kung lahat alam mo, Kakailanganing mo pa ba ang tulong Niya? Hahanapin mo pa rin kaya Siya? CHALLENGE CHALLENGE CHALLENGE It is certainly hard to live like Jesus. Tayo pa. We can never be like Him. Pero imaginine mo nalang kung gaano makakatulong yung bawat piso na ibibigay mo sa batang-kalye. Kung paano ka makakasagip ng buhay sa simpleng pagtulong. Kung paano makagagaan ng loob yung pagdamay mo sa kaibigang may pinapasan o dinaramdam. Kung paano nakapagpapaganda ng mood yung pagbati at kamusta mo sa mga kakilala mong nasa malayong lugar. Yung pagsabi mo ng i love you sa mga mahal mo. Yung pagbitbit mo ng mga pinamalengke ng lola o ng nanay mo. Yung pagbibigay mo ng sagot sa test sa mga kaklase mong di nakapagreview...... JOKE Iba na yun. Di naman sa hindi ako nangongopya. Ang teamwork kaya na yan ang isa sa bumuhay sakin nung elem at high school no. Ewan ko lang nung kinder? Di ata. Wala naman akong pakialam sa grades ko nun e. Ang tanong, may grades nga ba dun? Siguro naman. School pa rin yun. At syempre i-aassess ang mga bata kahit papano. Di ko lang gaano matandaan. Pero di pa ata namin alam yung mechanics and guidelines for effective copy-paste nun. Tsaka layu-layo yung table namin nun sa isa't isa. Tsaka ang tanging natatandaan ko lang nun ay tumakbo papalayo sa isa kong classmate kasi hinahabol niya kami. Ayos lang sana kung sya lang e, pero hindi. Kasama niya ang sipon nyang tumutulo na umaabot na sa bibig nya. At unti-unti itong... Waah. Forget it. Hindi kanais-nais magsalaysay ng isang balahurang pangyayari habang kumakain ng hapunan. SLIMY -.- :)) AWWW. Namiss ko tuloy yung school ko nung nursey-kinder T.T
Diba pag mga pre-school di mawawalan ng playground? May slide. Tas monkey bars. Swing. The undying swing. Haha. Wala atang playground na walang swing. Yung duyan namin nun e gulong pa. Nagpapaunahan pa kami papunta kada tapos ng klase, kasi naman pag nahuli ka, mapupunta ka sa sira o kaya mauubusan ka. Aba, masaya ata mauna sa pinaka-mataas na swing. HOHO. Tas aawayin mo yung kaklase mong nag-aabang na matapos ka. Madali ng madali sayo e ineejoy mo pa nga yung paglipad mo sa ere. Manigas kayo dyan hanggang dumating ang service ko. BWAHAHAHA. Ano pa bang naalala ko.. Hmmm. Yung grooming kit namin! Meron din kayo nun panigurado. Yung ipapadala sa magulang niyo, gawa sya sa shoebox na binalutan ng gift wrapper. Laman nun ay toothbrush, towel, sabon kung sakaling..alam mo na. at marami pang iba. :)) May pangalan yun tas nakalagay sa shelf. Tas before at after recess pipila na kayo isa isa para maghuas ng kamay. Samin kase, pag may birthday yung isang bata invited lahat ng nag-aaral sa school. Siguro dahil konti lang ang pop dun. Wag kalimutang batiin at mag handa ng gift para makakain ng hotdog on stick, chicken at spag? Childhood memories nga naman. Kaysarap balikbalikan. :) Di man natin maibabalik yung oras, ang mahalaga, minsang naiging bata. Minsan nating naranasan yung pag-uwi galing school na walang iniintinding iba kung di mag miryenda at pagkatapos maglaro. Totoo nga yung sabi nila, Habang lumalaki ka, Lumalaki rin yung mga pagsubok na dadaanan mo Tama naman. Si dagul kaya, maliit pa rin ang problema? KBYE!!! Okay. Okaay. Walang nangyari.. HAHA. Narealize ko na ang layo na pala ng narating natin. Ng kwentuhan. Di ko na tuloy natuloy yung pinakakwento koooooooooooooooooooooooooooooo. Next time na lang. :) Kaya siguro di ko naaalala kung ano talaga yung kailangan kong gawin minsan, kung saan saan nagddivert ang isip na itey. Haha. Kailangan bawas-bawasan to. Pagnagstart na ang classes, seryoso na. More focused. Better memory. Iwasan ang memory gap. Uminom ng memory plus gold. Chos. Thanks for your time! God bless Us!